Advertisers

Advertisers

PNP-CIDG pasok sa Calbayog City mayor ‘ambush’

0 313

Advertisers

INIUTOS ni PNP Chief General Debold Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tumulong sa imbestigasyon sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at sa limang iba.
Ayon kay Sinas, makakasama ng CIDG sa imbestigasyon ang Police Regional Office 8 at ang Internal Affairs Service (IAS).
Nanindigan naman si PNP chief Sinas na hindi ambush ang nangyari.
Giit ni Sinas na nagkataon lang umano na nakasunod ang mga pulis sa van ng alkalde at hindi nila sinadya na ito ay buntutan.
Nagsasagawa kasi ng surveillance inspection ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) laban sa mga police scalawags.
Samantala, sinabi naman ni Sinas na welcome sa kanila ang utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang shootout.
Hindi naman makumpirma ni Sinas kung nasa drug watchlist si Mayor Aquino. (Mark Obleada)