Advertisers

Advertisers

Executive Order No. 113 na nagtatakda ng ika-13 Regular Foreign Investment Negative List, pirmado na ni Marcos

0 4

Advertisers

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 113 na nagtatakda ng ika-13 Regular Foreign Investment Negative List (RFINL).



Batay sa EO, tinukoy ang mga sektor na sarado o may limitasyon sa foreign ownership—kabilang ang mass media, small-scale mining, at private security agencies.

Pinapayagan naman ang limitadong foreign equity sa ilang industriya tulad ng advertising (hanggang 30%) at likas na yaman at retail (hanggang 40%).



Sa piling sektor gaya ng telecommunications, pinapayagan ang hanggang 100% foreign ownership depende sa reciprocity.

Layunin ng EO 113 na i-ayon ang polisiya sa umiiral na batas at gawing mas bukas ang ilang industriya sa pamumuhunan. (Gilbert Perdez)