Advertisers

Advertisers

7 NCR cities may mga kaso ng UK, South African variant

0 399

Advertisers

NASA pitong lungsod sa National Capital Region ang kumpirmadong may kaso ng sinasabing mas nakakahawang variants ng SARS-CoV-2 virus na nadiskubre sa United Kingdom at South Africa.
Walang inilabas na listahan ang Department of Health (DOH), pero ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, 11 lungsod ang may B.1.1.7 (UK variant) case.
Habang pitong siyudad ang may kaso ng B.1.351 (South African variant).
“We about have 3.5% of all of these samples were tested, present ang UK variant. For South African variant its a little higher, 5.5% out of all those samples that were tested.”
Ayon sa DOH, katumbas pa lang ng mga samples mula NCR na na-proseso sa whole genome sequencing ang nabanggit na porsyento.
Kung ikukumpara raw kasi sa kabuuang bilang ng samples sa buong bansa na sumailalim sa sequencing, 1.7% ang South African variant cases.
Inalerto ng mga eksperto ang bawat bansa dahil sinasabing may “escape mutation” sa mga bakuna ang B.1.351 variant.
Aminado si Vergeire na hanggang ngayon may ilang rehiyon pa rin ang hindi nakakapagpadala ng specimen para sa sequencing.
Kabilang na rito ang Bicol region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Batay sa huling tala ng DOH, pumalo na sa 118 ang UK variant cases sa bansa. Habang 58 ang kaso ng South African variant.
Iginiit naman ng DOH spokesperson na hindi maaaring isisi sa mga variant ang sumirit na namang kaso ng COVID-19, dahil maaari rin daw na dulot ito ng hindi pagsunod ng publiko sa minimum health standards.