Advertisers

Advertisers

Protocols ng IATF sa Covid-19 ‘inconsistent’

0 305

Advertisers

ISANG resolusyon ang inihain ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salon para silipin ang ang aniya’y flip-flopping” protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) pagdating sa testing at quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng inihain nitong House Resolution 1650, inaatasan ang House Committee on Health at Committee on Overseas Workers Affairs na imbestigahan ang “inconsistent” at “conflicting” na mga protocols, na nagiging pabigat sa mga umuuwing Pilipino at OFW.
Partikular na tinukoy ng mambabatas ay ang magkaibang pahayag ng DFA, at OWWA hinggil sa ipatutupad na testing at quarantine protocol para sa mga umuuwing OFW.
Inihalimbawa nito ang IATF resolution no. 90 noong December 22, 2020 na nag-aatas ng mandatory 14-day quarantine period sa lahat ng indibidwal na papasok ng bansa sa kabila ng negative na RT-PCR test.
Ngunit pagsapit ng Enero ng 2021, may panibagong atas ang IATF na maaaring hindi na tapusin ang quarantine period kung maging negatibo ang resulta ng RT-PCR test na isasagawa sa ika-limang araw buhat nang ito ay dumating.
Paalala ni Salo, dapat i-streamline at gawing simple ang patakaran habang tinitiyak na sumusunod ang mga ito sa minimum health safety protocols. (Henry Padilla)