Advertisers
APRUBADO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang panukala ng ilang mga eksperto sa pagsusuot ng face mask habang nasa loob ng bahay para maiwasan ang hawaan.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, gaya rin sa ibang lugar ay mabilis din ang hawaan ng COVID-19 sa loob ng bahay.
Dagdag pa nito, noon pa man ay iminungkahi na ni DILG Secretary Eduardo Año sa nasabing panukala.
Matatandaang sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang pagsusuot ng face masks sa bahay para mabawasan ang hawaan ng COVID-19.
Inihalimbawa pa nito ang mga tahanan na mayroong mga senior citizens at mayroong darating mula sa labas. (Josephine Patricio)