Advertisers
NAGPASARINGAN sina Rep. Paolo “Pulong” Duterte at dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Tinabla ni Trillanes ang pahayag ni Pulong na may banta umanong tanggalan ng budget ang distrito ng mga kongresistang hindi boboto pabor sa impeachment.
Sinabi ni Trillanes, kinatawan sa kamara si Duterte ngunit hindi nito kayang dumalo sa mga impeachment hearings ng Kamara.
Dagdag pa ng dating senador, hindi rin daw ba itatanggi ni Rep. Pulong ang mga milyones na nakuha kay Sammy Uy at kung willing daw itong ipakita ang SALN.
Ang pahayag ni Trillanes ay tumutukoy sa mga alegasyon ng umano’y malaking transaksiyon sa pagitan ng pamilya Duterte at negosyanteng si Sammy Uy, na dati nang binanggit sa mga pagdinig.
Samantala, nanindigan si Rep. Duterte na walang basehan ang mga akusasyon at iginiit na bahagi lamang ito ng pamumulitika ng dating senador.
Ang sagutan ng dalawa ay nagdagdag ng tensiyon sa gitna ng mainit na impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo, na inaasahang tatalakayin sa plenaryo ng Kamara sa Mayo 4, 2026.