Advertisers

Advertisers

300K MIYEMBRO NG SOCOTECO ANG DAPAT MAGDESISYON SA JOINT VENTURE — IGNITE POWER

0 5

Advertisers

WALA pang pormal na negosasyon ang Ignite Power at South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) dahil nais umano ng kumpanya na ang 300,000 member-consumer-owners (MCO) ng kooperatiba ang mag-desisyon sa panukala nitong joint venture.

Ayon kay Atty. Allana Mae Babayen-on, legal officer ng Ignite Power, walang anumang nagaganap na negosasyon para sa pagsasanib ng Ignite at SOCOTECO II. Aniya, nagkaroon lamang ng “initial acceptance” o paunang pagtanggap ang nga director ng kooperatiba sa alok na joint venture ng Ignite.

Diin ng abogado, hindi ang board ng SOCOTECO II at hindi isang grupo lamang — kundi lahat ng MCO ang dapat magpasya. “Gusto naming malaman, gusto ba ng mga miyembro ang joint venture?”



Batay sa Presidential Decree No. 269, kailangan umano ng 50 percent plus one ng lahat ng aktibong MCO bago mapagtibay ang anumang joint venture.

Itinanggi rin ni Babayen-on na “ailing” o nasa malubhang kalagayan ang SOCOTECO II. “Kung ailing siya, NEA na ang papasok — at hindi na kami makakapag-offer,” paliwanag niya. Mahirap lang ang sitwasyon [ng kooperatiba] ngayon, kaya naman kumakatok ang Ignite.



Para sa Ignite executive, mas malaki umano ang nakasalalay dito kaysa negosyo. “Electricity is no longer just a commodity,” aniya. “It is a basic human right.”

Ang Ignite Power ay isang partnership ng Primelectric Holdings ni business tycoon Enrique Razon at MP Holdings ni dating senador at boxing champ Manny Pacquiao na tubong General Santos City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">