Advertisers

Advertisers

Heaven tinamaan ng Covid sa taping ng serye; Sen. Kiko takot magpakulay ng buhok

0 243

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KAKATUWA naman ang post na video ni Sharon Cuneta sa kanyang IG habang sila ay kumakain.

Umorder si Sen. Kiko Pangilinan kay Polwang ng pagkain nang makita nga raw nito sa socmed.



Masaya naman ang naging salu-salo na yun ng mag-anak.

Pero nakita ni Shaton na tila nagkukulay gray na ang hair ng mister na Senador  na si Kiko.

Kaya naman sinabihan ni Sharon na magpakulay na ito ng hair  na sinegundahan naman ng kanilang mga anak sa pagpupuwersa at pagkukumbisi kay Kiko na magpa-hair dye na.

Pero ayaw nga raw ng Senador at takot ito magpakulay at baka nga raw magka-Covid pa ito.

Sabay hirit ni Kiko na pag 65 na siya saka pa lamang ito magpapakulay ng buhok.



Napa-OMG naman si Sharon dahil sa edad nga raw niya na yun eh DOM na ito or Dirty Old Man.

Banat pa ni Sharon na ayaw nga raw nito na may makatabi na lolo na alam naman ng netizens na nagbibiruan lang ang dalawa.

Napansin din ng netizens na tila bumata si Sharon dahil pumayat na ito.

Pero di pa rin nakaligtas ang gray hair ni Kiko at talagang kinukulit na ni Sharon na magpakulay na ito. Pero ayaw talaga ng Senador.

***

KAHIT nga ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo ay hindi nakaligtas sa killer virus.

Sa post nito ay nagpaalala ito sa lahat na Covid is real. Never nga raw nasagi sa isipan nito na pati siya ay tatamaan.

At nakuha nga raw niya ito sa lock in taping ng serye nito sa Dos na Bagong Umaga.

Humantong pa nga na nag-self quaratine ito kaso nakakaranas na nga raw ito ng panghihina ng katawan.

Sinusunod naman daw nito ang mahigpit na health protocols kaya nagtataka ang dalaga at nagka-Covid pa rin siya.

Isinugod na nga siya sa ospital nang makaranas na ng paninikip ng dibdib at hindi na makahinga.

Thankful naman si Heaven sa Kapamilya dahil ang kanilang ambulance ang ginamit para maisugod ang dalaga sa ospital.

Kaya huwag nga raw magpabaya at laging mag-face mask, face shield at mag-alcohol na kasama na sa routine ng buhay sa panahon ngayon ng pandemya.

Sa ngayon ay magaling na si Heaven at naka-recover na ito mula sa naranasan na dulot ng Covid.

Well, well, well…’Yun na!