Advertisers

Advertisers

Comelec target ang 4-M bagong botante bago ang deadline sa Set. 30

0 288

Advertisers

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30.

Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa Mayo 2022.

Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga botante mula sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na may aplikanteng 396,529; sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 295,357; Central Luzon na may 271,869; at Central Visayas na may 202,370.



Habang 42,204 naman sa Cordillera Administrative Region; sa Caraga ay 87,892; Cagayan Valley na may 94,462 at Mimaropa (Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Palawan) na nakapagtala ng 96,180.

Kasalukuyan namang suspendido ang pagpapatala sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite dahilsa pinapatupad na quarantine status.

Magre-resume naman umano ang pagpapatala sa Mayo 1 o Labor day. (Joceyn Domenden)