Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMI ang nanghihinayang kay Bea Binene at feeling naman ng kanyang followers ay tila napabayaan na ito ng kanyang home network na GMA7.
Simula pa nga lang bata ay nasa bakuran na ito ng Kapuso. Kaya naman nagtataka ang mga tagasubaybay ni Bea kung bakit wala at hindi ito kasama sa 100+ shows ng GMA.
Hanggang dumating na nga na nag-end contract na si Bea.
Wala pang nakakaalam kung ire-renew or magpapa-renew pa ito ng kanyang kontrata sa GMA.
Kaya naisip ng ibang netizens na baka nga raw mag ober da bakod na rin ito at ilan ngang followers nito ay nagsasabing sinayang naman nila si Bea kundi na ito pipirma ng kontrata.
Pero if ever may offer sa ibang bakuran eh bakit ba naman hindi i-grab ni Bea dahil isa naman itong mahusay na artista.
Thankful ang fans ni Bea dahil sa socmed ay nakikita pa rin nila ang kanilang idolo gamit ang FB, Twitter at IG.
Sa kabila ng wala na itong kontrata sa GMA ay proud Kapuso pa rin si Bea.
Kaya naman inaabangan naman ng netizens kung may pag ober da bakod bang magaganap ngayong tapos na ang kontrata nito sa nasabing network.
***
HINDI na nga raw na-review agad na nilagyan pa nito ng caption na pagbati nga raw sa unang bayani 500 years na naganap noong April 27 1521 at imbes nga si Lapu-Lapu, ang nalagay sa pagbati nito ay ang mananakop na si Ferdinand Magellan ang na-ipost ng Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla.
Kaya naman ura-urada nitong binura ang nasabing post at kasabay noon ay humingi ito ng apology sa mga taga-Cebu at mga Filipino.
Imbes nga na i-bash ang Vice Gov. ng Cavite sa pag-amin nito sa kanyang pagkakamali ay may mga netizen na humanga pa sa anak nina Sen. Bong Revilla at Mayora Lani Mercado.
At least nga raw alam ni Jolo na nagkamali siya sa kanyang post kaya naman maraming sumaludo rito.
Tao nga lang daw na nagkakamali at nobody’s perfect, ‘ika nga.
Ang mahalaga nga raw ay humingi na ito ng patawad. Well, well, well…’Yun na!