Advertisers

Advertisers

SEXUAL HARASSMENT SA PARAÑAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL, ‘DI PALALAMPASIN NI MAYOR OLIVAREZ

0 56

Advertisers

AGAD na inutos ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang masusing imbestigasyon sa viral video na kinasasangkutan ng isang guro at estudyante sa loob mismo ng silid-aralan sa Parañaque National High School-Main.

Hinimok ni Mayor Olivarez ang pulisya at Department of Education (DepEd) na masusing imbestigahan ang insidente na nagdulot ng matinding reaksiyon sa social media.

Mariin din niyang kinondena ang pangyayari at iginiit na walang puwang o lugar ang ganitong mga insidente sa mga paaralan.

“Such acts have no place in our schools, which should serve as safe spaces where children can learn, grow, and develop in a secure environment,” ani Olivarez.

Tiniyak din ni Mayor Olivarez ang suporta ng pamahalaang lungsod sa mga biktima at kanilang pamilya sa paghahanap ng hustisya at pananagutan.

Naging viral ang malaswang video matapos kumalat sa social media na nagpapakita ng hindi angkop na pag-uugali ng isang lalaking guro at estudyante sa loob ng isang silid-aralan sa paaralan sa Barangay San Dionisio.

Lalo pang umugong ang isyu matapos mag-walkout ang daan-daang estudyante noong Lunes at magtipon sa harap ng paaralan upang kondenahin ang insidente at ipahayag ang kanilang pangamba at kaligtasan.

Ayon sa Schools Division Office (SDO) ng Parañaque, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ng mga ulat at makita ang video scandal na kumakalat online.

Binigyang-diin ng SDO na tinatrato nito ang mga alegasyon nang may “utmost seriousness, urgency, and impartiality” at isinasagawa ang kaukulang administrative at legal procedures alinsunod sa umiiral na batas at mga patakaran ng DepEd.

Tiniyak din ng mga opisyal ng edukasyon na poprotektahan ang karapatan at kapakanan ng lahat ng sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com