Advertisers

Advertisers

KINANG NINA ALBACEA AT VILLAREAL, NAGLALAHO!

0 5,509

Advertisers

NALANSAG ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region Field Unit at Northern Regional Maritime Station Field Unit sa Navotas City ang grupo ng sindikatong buriki/paihi. Naaresto ng mga awtoridad ang 12 “tulisan” sa akto ng pagpapatulo ng mahigit sa Php 12M na produktong petrolyo.

Quezon Acting Provincial Dir. Col. Romulo Albacea at CIDG Quezon Provincial Officer Lt Co. Rix Villareal

Nauna sa isinagawang raid ng magkasanib na pwersa ng CIDG NCR FU at NRMS FU ay dalawang “tulisan” ang nadakip ng Laguna CIDG Provincial Office dahil sa iligal na pagpapasingaw ng LPG at nakasamsam ng mahigit sa Php 8M halaga ng mga ebidensya sa San Pablo City, Laguna.

Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 13 (Illegal Sale and Distribution of Petroleum Products for Profit without necessary license) at Violation of PD 1865 (Illegal Trading of Petroleum Products) ang mga suspek na pawang kinilala lamang sa kanilang mga alyas na nahuli sa Brgy. Tanza 2, Navotas City.

Kinasuhan din ang dalawang arestado sa raid sa Brgy. San Ignacio, San Pablo City ng paglabag sa RA 5700 (Illegal Use of or Sell marked container including that of compressed gas without proper permit).

Kudos sa mga opisyales at miyembro ng CIDG NCR FU at NRMS FU. Kaisa nyo ang SIKRETA sa pagbaka sa mga naturang sindikato na matinding nagpapahirap sa mga mamamayan.

Hindi titigil ang SIKRETA sa pagbubunyag sa operasyon ng grupong ito na tinatawag nating mga “tulisan” na nag-operate saan mang panig ng Pilipinas.

Sa kabila ng pagbubunyi sa mga accomplishment ng CIDG NCR FU, NRMS FU at Laguna CIDG PO ay nababahala naman ang SIKRETA sa nakikitang tila pagtamlay ng serbisyo publiko nina Quezon Provincial Police Director Col. Romulo Albacea at Quezon CIDG Provincial Officer Lt Col. Rix Villareal?

Nawawala na ang bisa at angking lakas sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin dahil sa patuloy na pamamayagpag ng mga tulisan na walang humpay sa operasyon ng buriki/paihi sa Brgy. Ikirin, sa bayan ni Pagbilao Mayor Gigi Portes at alyas Troy na hayagan ang pagpapanakaw ng mga CME oil, mga produktong nagmumula sa mga oil mill sa Lucena City at petroleum products na ibinibenta ng mga tanker at capsule truck driver sa kuta ng sindikato sa Eco-Tourism Road, Brgy. Salinas sa syudad ni Lucena Mayor Mark Alcala.

Ang ilegal na gawain nina alyas Amigo at alyas Troy ay di maiikala na nagaganap sa baluarte nina Col. Albacea at Lt. Col. Villareal na kapwa walang kamalay-malay na ipina-ngo-ngolekta ng “tara” ng isang alyas Richard?

Mahirap mag-akusa at maniwala na tamad at kunsintidor sina Col. Albacea at Lt. Col Villareal, at lalong di naniniwala ang SIKRETA sa ipinagyayabang nina alyas Amigo at Troy na “nakatimbre” sila sa naturang mga police official?

Si alyas Amigo ay nagpapanggap na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) at nagkukunwari din na isang Jakono ng kapatiran upang impluwensyahan na magluwag sa kanilang mandato ang katulad nina Col. Albacea at Lt Col. Villareal.

May panahon na hinangaan at sinaluduhan natin si Col. Albacea sa kanyang namumukod tanging nagagawa sa Quezon Province bilang pagtalima sa patakaran ni Gov. Angelina “Helen” Tan na huwag pabayaan na makapasok sa kanilang hurisdiksyon ang katulad nina alyas Amigo at alyas Troy.

Panahon na upang muling ibalik ni Col. Albacea at Lt. Col. Villareal ang kislap ng kanilang police career sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga kabalbalan ng sindikatong pinamumunuan nina alyas Amigo at alyas Troy! May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144