Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PATOK ngayon sa viewers at netizens ang recent episode ng primetime series na ‘First Yaya’ na ibinida ni Sanya Lopez na gumaganap bilang Yaya Melody ang kanyang jaw-dropping beach body.
Pumalo na sa 2.1 million views at number 1 trending ngayon sa YouTube Philippines ang naturang episode matapos lang ang ilang araw.
Umani rin ng papuri mula sa netizens ang show dahil sa nakakaaliw na kwento at nakakahangang cinematography nito, “I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too. Sobrang galing ng cast! Congrats to the whole team of First Yaya!”
Tinawag din si Sanya na isa sa ‘next big stars’ ng Kapuso Network ng ilang netizens, “Sanya’s beauty and charm is different! Grabe lakas talaga ng dating at karisma niya! And she’s acting naturally. I can say that she is one of the next big stars of GMA.”
‘Wag nang magpahuli at tutukan ang nakaka-good vibes na kuwento ng ‘First Yaya,’ Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
***
“Catch Me Out Philippines,” pansamantala munang ‘di mapapanood ngayong Sabado
Pahinga muna sa pasiklaban at world-class performances sa reality-talent show ng Kapuso Network na ‘Catch Me Out Philippines’ simula ngayong Sabado (May 1).
Ayon sa post ng Catch Me Out Philippines, wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil nakatakda ring magbalik-telebisyon ang naturang programa na may hatid pang mas matitinding performances.
Samantala, simula May 1 ay mapapanood na sa timeslot ng Catch Me Out Philippines ang upcoming fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila’ na pinagbibidahan ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. bilang si Major Gabriel Labrador ng Task Force Kalikasan.
Tunghayan ang exciting adventures ni Major Gabriel sa world premiere ng Agimat ng Agila, simula May 1, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA-7.
***
“The Lookout,” highest-rating I Can See You episode
Mula sa pitong kuwentong naipalabas mula sa dalawang seasons ng groundbreaking Kapuso drama series na ‘I Can See You,’ naitala ng latest episode nitong ‘The Lookout’ ang pinakamataas na ratings ng serye.
Dahil sa intense na mga kaganapan sa serye, nakakuha ang The Lookout ng combined ratings na 17.6 percent (NUTAM PPL PRIME Survey) nitong Huwebes (April 22).
Tampok sa crime thriller mini-series sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk actor Paul Salas, at ang nagbabalik-Kapuso na si Christopher de Leon.
Bumuhos din ang papuri mula sa viewers sa out-of-the-box na tema nito at mahusay na portrayal ng mga bida, “Andaming life lessons sa mini-series na ito. It is not your ordinary crime thriller. Kudos to the team! #TheLookoutReunited.”
Nagpasalamat naman si Barbie sa mga sumubaybay ng kanilang episode. Marami raw siyang natutunan sa naging pagganap niya sa karakter ni Emma Castro.