Advertisers

Advertisers

Lovi pinigilan ng Siyete mag-ober da bakod sa Dos

0 221

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

POSITIBO ngayon ang pananaw sa buhay ni Andrea Torres, sa kabila ng katotohanan na bago pa rin lang ang hiwalayan blues nila ni Derek Ramsay, gayundin sa mga naglalabasang ‘matatamis’ na balita sa dating boypren at sa bagong gf nitong si Ellen Adarna. Unti-unti na rin naman lumalabas ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Nagsalita nga si Derek na sa telepono lang niya hiniwalayan si Andrea at dagdag pa ng aktor na may kinalaman sa pamilya ni Andrea ang kanilang hiwalayan.

Imbes na sagutin o kontrahin ni Andrea ang mga sinabi ito ni Derek ay nagpasaring na lang ang isa sa bidang babae ng bagong serye ng Kapuso Network, ang “Legal Wives” kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali.



“I don’t see the significance of discussing details in public,” say ni Andrea.

Ano naman kaya ang naging damdamin ni Andrea sa mga pahayag ng dating boypren?



“I honestly have a different memory of what transpired and who ended it but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ thing.

What good will come out of it? I have been focused on myself and what is happening in the world. For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person, I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?”, saad pa rin ni Andrea.



Sa huli ay may say din si Andrea para kay Derek.

“If he truly respects me and my family, let us have our peace.”

***

NAGSIMULANG naging maingay ang tsika na isa rin sa lilipat umano sa Kapamilya Network, after Janine Gutierrez at Sunshine Dizon ay si Lovi Poe.

At tsika pa rin na isa siya sa napipisil na gumanap sa Pinoy adaptation ng super hit na Koreanobelang ‘“The World of the Married” na ilan pa rin sa Kapamilya actress na pinagpipilian na lumabas bilang mistress sa naturang serye ay sina Jane de Leon, Loisa Andalio, Julia Montes, at Nadine Lustre.

Habang palakas ang bulong ng nalalapit na pagiging isang Kapamilya ni Lovi ay tahimik naman ang kanyang kampo. Eh kasi nga naman may ongoing super hit na teleserye pa ang aktres ngayon na pinapalabas sa Kapuso Network, ang “Owe My Love”.

Tatakbo pa ang nasabing romcom serye ni Lovi at ni Benjamin Alves hanggang sa Mayo. At bilang pagbibigay ng courtesy ay no comment na muna ang aktres sa kumakalat na tsikang pag-oober da bakod niya.

Pero  hindi yata basta-basta bibitawan  ng Kapuso Network ang isang tulad ni Lovi na balitang may counter offer daw ang kanyang mother station at panibagong serye na uumpisahan agad.

As in may ongoing negosasyon ngayon sa pagitan ni Lovi at ng kanyang mother network for almost 17 years. So ang final answer wether Lovi  will still be a Kapuso or to be a new Kapamilya star ay masasagot lamang pagkatapos o bago matapos ng “Owe My Love’.

Sa ngayon guessing game na muna and your guess is as good as mine.