Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,683 bagong kaso; 9,028 gumaling; 97 nasawi

0 264

Advertisers

BUMABA ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,683 na mga bagong nagpositibo sa sakit nitong Martes, Mayo 4.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,028 na gumaling at 97 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na 1,067,892, 6.2% (66,060) ang aktibong kaso, 92.2% (984,210) na ang gumaling, at 1.65% (17,622) ang namatay.
Ayon sa DOH, dulot pa rin umano ng hindi pagsusumite ng datos ng ilang mga laboratoryo noong Linggo, Mayo 2 ang mababang bilang ng kaso na naitala nitong Martes.
Patuloy naman nakikipagtulungan ang nasabing ahensya sa mga laboratoryo upang masiguro ang regular na pagsumite ng datos kada araw. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)