Rabiya binigyan ng hikaw na pampabuwenas ni Pia sa pagsabak sa Miss U; Sunshine dedma sa akusang walang utang na loob sa paglayas sa GMA7
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAYSA pansinin ni Sunshine Dizon ang mga basher sa kanyang pag-oober da bakod sa ABS-CBN mula sa GMA7, mas minabuti nito na pumokos na lang sa gagawin trabaho sa Kapamilya network.
Big issue para sa bashers ang paglipat ni Sunshine sa kalabang network.
Dahil bata pa lang ito ay talagang tahanan na niya ang GMA-7 kaya naman nagulat ang ilan sa pagtawid ni Sunshine.
Sagot naman ni Sunshine na kailangan nitong magtrabaho dahil nay dalawa pa itong anak na binubuhay.
Resbak naman ng bashers na puwede rin naman daw siya mag-work sa Kapuso. Opinyon ng netizens na malamang na nasilaw daw sa offer ang aktres.
Nagmukha nga raw walang utang na loob si Sunshine sa pag-alis sa Siyete. Sa ngayon ay dedma si Sunshine kung bato na intriga sa kanya at wala anya itong care sa mga sasabihin ng haters.
Sa kabilang banda ay happy si Sunshine at magiging busy na naman siya sa work sa Dos.
***
NARINIG ng ating pambato sa Miss Universe na si Rabiya Mateo na puwedeng gawing lucky charm ang mahihingi na kung anuman ang suot ng nanalo nating Miss U.
Medyo bonding na rin si Pia Wurtzbach, ang ating Miss Universe 2015 at ang 2020 Miss Universe na si Rabiya.
Naglakas loob na nga raw na nag-message si Rabiya kay Pia.
At ayon nga sa message ni Rabiya na kung puwede nga raw na mabigyan siya ng something na naisuot na ni Pia sa pageant.
Hindi naman binigo ni Pia ang kanyang co-beauty queen at tinugunan niya ang kahilingan nito.
Binigyan ni Pia ng pares ng hikaw s Rabiya na lalaban sa May 16 sa Miss Universe.
Naniniwala si Rabiya na masuwerte at pambuenas ang ibinigay sa kanya na hikaw ni Pia.
Inspirasyon ni Rabiya ang ina kaya pipilitin nitong masungkit ang korona sa pagiging Miss U.
Well, well, well…’Yun na!