Advertisers
ISINUSULONG ng 17 alkalde sa Metro Manila na makasama ang mga manggagawa na nasa work from home arrangement sa babakunahang essential workers na nasa ilalim ng A4 category.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ito ay napag-usapan na nila ng mga kapwa niya alkalde sa pulong ng Metro Manila Council (MMC).
Partikular aniya nilang nais mabakunahan na ay ang mga nagta-trabaho sa call centers na ngayon ay nasa work from home mode at aniya ay hihilingin nila sa Inter Agency Task Force (IATF).
“Yun pong interpretation, lahat po ng lumalabas, formal o informal po na worker natin na lumalabas ng bahay, yun po yung ating A4 category. Ang atin pong sinusulong, pati po sana yung work at home kasi lumalabas rin naman po sila, para mabigyan din po ng priority sa vaccination,” pahayag ni MMC Chair Olivarez.
Inaasahan na ngayong Hunyo ay sisimulan na ang pagpapabakuna sa nasa A4 list sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.