Advertisers

Advertisers

‘MALUWAG NA HEALTH PROTOCOL SA NABAKUNAHAN’

0 199

Advertisers

HINILING ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong sa Inter Agency Task Force (IATF) na ikonsidera ang paglalatag ng bagong guidelines para sa mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.

Paliwanag ng kinatawan, dahil tumataas na ang bilang ng mga nababakunahan ng COVID-19 vaccine ay dapat nang i-update ng IATF ang umiiral na guidelines sa social distancing at health protocols kasama na rito ang pagluwag sa capacity requirement sa mga malls, restaurants, hotels, resorts at iba pang establisyimento.

Sa ganitong paraan aniya ay maibabangon na muli ang ekonomiya at makakabawi na rin ang mga negosyong naapektuhan ng pandemiya.



Mas mahihikayat din aniya ang mas maraming Pilipino na magpabakuna ng COVID-19 vaccine lalo na kapag nalaman ang mga kapalit na pribilehiyo.

Inirekomenda rin ni Ong sa IATF na magkaroon ng database na magagamit para sa cross-reference ng vaccination cards ng mga indibidwal na nagsasabing sila ay nabakunahan na.
Inihalimbawa ni Ong na maaaring payagan na ng IATF ang dine-in at 100% capacity sa mga restaurants para sa mga guests na bakunado na.



Maaari aniyang magtalaga ng isang lugar na exclusive o para lamang sa mga vaccinated na customers. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">