Advertisers
Ni WALLY PERALTA
DALAWANG taon na rin halos nabakante sa showbiz ang Kapuso aktres na si Max Collins dahil na rin sa panganganak sa panganay nila ng mister na si Pancho Magno.
Para sa isang first time mommy ay masasabing malaking challenge ang mapalayo sa halos isang taon gulang na anak. ‘Yan ang naging problema kay Max, ang separation anxiety.
Ngayon nga ay balik-showbiz na si Max via “To Have and To Hold” kasama sina Rocco Nacino at Carla Abellana. Kung ang ibang artistang kasama ni Max ay pawang personal na gamit ang dala sa lock-in taping, si Max naman ay halos kalahati ng kanyang dala ay mga gamit ng anak. Sa pamamagitan ng mga ito ay nababawasan ang pagka-miss ni Max sa baby nila ni Pancho. Habang nasa lock-in taping si Max, si Pancho naman ang personal na nagbabantay sa kanilang anak.
Kapuna-puna rin na balik ang dating kaseksihan ni Max at tila mas sexy pa ito ngayon kaysa noong dalaga pa siya. Ano naman kaya ang naging inspirasyon ni Max sa kanyang kaseksihan ngayon?
“If you have no love for yourself or you don’t give to yourself, then you won’t have love to give to other people including your baby,” sabi ni Max.
***
YORME ISKO NAGBABALIK SA BIOFILM NI GAT. ANDRES BONIFACIO
MALAKI ang naging papel sa buhay ni Yorme Isko Moreno sa pagpasok niya sa politics at maging alkalde ng Manila, ang showbiz career. Matapos ang mahabang panahon na pag-focus ni Yorme sa pagiging politician ay break na muna panandalian ang masipag na Mayor sa kanyang work at balik sa una niyang minahal na trabaho, ang pagiging artista.
At ang pelikulang nagpagising muli kay Yorme na gumawa ng isang movie ay ang “May Pag-asa”, isang bio movie ng ating bayaning si Gat. Andres Bonifacio.
Ayon sa direktor na si Erik Matti, tatalakay ang kanyang movie sa istorya ni Bonifacio na hindi naituro sa mga paaralan at hindi pa rin ipinakita sa ilang Bonifacio movies na nagawa na.
Say naman ni Mayor sa bagong oportunidad sa kanya na lumabas bilang isang bayani at tulad niya ay batang Tondo rin ay isang malaking karangalan.
Bukod kasi kay Isko, maraming malalaking pangalan sa industriya ang pinagpilian ng buong team, andiyan sina Dingdong Dantes, Alden Richards at ang kapwa niya Mayor na si Vico Sotto.
“I’m grateful to them. It’s going to be challenging dahil mahirap pantayan ang galing ng tulad kay Bonifacio. It’s a very challenging task. I hope I can live up to the expectation at mabigyan ko ng justice ang pelikula. Marami akong mga hugot na hugot din ni Bonifacio, ang pagsisikap, hirap ng buhay at pakikisalamuha sa mga tao, sakto,” wika ni Yorme Isko.