Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA online show ni Boy Abunda na The Interviewer, naging panauhin niya kamakailan ang controversial star na si Nadine Lustre.
Ani Nadine, marami raw siyang natutunan noong panahon ng pandemya.
Isa na raw dito ay ang magbigay ng panahon sa kanyang pamilya at pati na sa kanyang sarili.
Aminado raw siyang isa sa mga takot niya noon ay ang mawala ang mga mahal niya sa buhay.
Per, pagkatapos daw ng pagkawala ng kapatid niya noon na namatay sa suicide, nag-iba raw ang pananaw niya sa buhay.
Subalit ito raw ay pagkatapos ng pinagdaanan niyang bout with depression.
Mas matapang na raw siya ngayon at masasabing walang kinatatakutan.
Napagtanto rin daw niya na hindi laging may buting naidudulot ang pag-oo sa lahat ng pagkakataon na maaaring hanash niya sa kanyang talent agency.
Tungkol naman sa kanyang personal na buhay, ang isa raw sa gusto niyang gawin ay ang mag-ampon.
Sa dami raw kasi ng nangangailangan ngayon dahil sa pandemya at sa iba pang problema ng mundo, gusto raw niyang makabawas dito at ito ang puwede niyang maging kontribusyon.
Naurot naman siya ng isang netizen kung willing siyang magkaroon ng boyfriend na afam ngayong hiwalay na sila ng ex na si James Reid.
Ipinaalala naman ni Boy sa netizen na isang Fil-Australian din si James.
Sey naman ni Nadine, maligaya na raw siya sa kinalalagyan niya ngayon at hindi siya naghahanap ng lovelife.
Ibig sabihin, wala siyang balak palitan si James.
Aniya, sa kabila ng kanilang hiwalayan, nananatili raw naman silang magkaibigan ng dating PBB alumnus.
Natanong din si Nadine tungkol sa naging resolusyon ng korte tungkol sa isinampang kasong breach of contract ng Viva sa actress.
Hindi naman nagkomento si Nadine sa kaso kaya’t binasa na lang ni Boy ang naging pahayag ng kampo ni Atty. Lorna Kapunan sa naging desisyon kamakailan ng QC Regional Trial Court.
Ayon sa pahayag, victory kay Nadine ang pagbasura ng korte na isalalim sa garnishment ang lahat ng ari-arian ni Nadine kasama na ang bank accounts nito.
Anila, magsasampa raw sila ng motion for consideration sa naging desisyon ng mababang korte.
Tungkol naman sa mga kita ng aktres sa mga kontratang pinasok nito katulad na lamang ng kanyang upcoming concert, ibibigay daw nila ang karampatang komisyon sa nasabing talent management company.