Advertisers
Ni JOVI LLOZA
OPEN book ang hiwalayan nina Sunshine Dizon at mister na si Timothy Tan.
Marami ang nanghinayang sa pagkasira ng kanilang marriage lalo pa nga raw at may 2 silang anak, sina Doreen at Anton.
Sa kabila ng pagkakadapa ni Sunshine sa kanyang buhay may-asawa, pinuri pa rin nito ang ex-hubby in terms of co-parenting sa kanilang mga anak.
At wala nga raw masabi si Shine kung pagiging father ang pag-uusapan at napakaresponsable nga raw ni Tim.
Hands on daw ito sa pagtutok sa 2 nilang anak ni Sunshine lalo na’t nasa work ang aktres.
Ang ikinatuwa pa Shine ay kahit ang obligasyon nitong sustento ay tuluy-tuloy at ‘di pumalya.
***
Lloydie sure na sa mga gagawing projects sa GMA-7
NAKIPAG-meeting na ang nagbabalik na mahusay na aktor na dating Kapamilya na ngayon ay magiging certified Kapuso na, si John Lloyd Cruz.
Sa pakikipag-meeting nga ni John Lloyd sa ehekutibo ng Siyete ay tiyak na nga raw ang mga projects na gagawin nito.
Baka next month ay may projects ng ilalabas or ipalalabas si John Lloyd.
Kaya ganun na lang ang kasiyahan ng mahusay na aktor na tiyak may bonggang proyekto.
Tanong ng netizens kung isa ba sa priority na projects ni Lloydie eh makakasama nito ang dating leading lady na si Bea Alonzo.
Pero malabo pa na magkaroon ng katuparan ang pagbabalik-tambalan nina Popoy at Basha.
Hindi nga ba’t nalula ang GMA-7 sa TF ni Bea na gusto nilang tumambling dahil sa taas.
Bukod sa makakasama ni Lloydie si Wilie Revillame sa isang sitcom eh asahan na nga raw na may mga pasabog na aabangan sa comeback ni Lloydie.
Well, well, well…’Yun na!