Advertisers

Advertisers

GMA Network may exciting giveaway sa anniversary month

0 331

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BILANG selebrasyon ng kanilang ika-71 taong anibersaryo, mamimigay ng papremyo ang GMA Network para sa loyal fans at viewers nito sa pamamagitan ng ‘Buong Puso Groufie Giveaway’.

Simple lang ang kailangang gawin para sumali. Tumutok lang sa inyong paboritong GMA show kasama ang inyong pamilya o mga kaibigan at mag-selfie/groufie habang nanonood sa TV. Isend ito sa www.gmanetwork.com/buongpusogroufie hanggang June 25.



Tig-10 ang mabubunot na mananalo ng GMA Affordabox at GMA Now. Sasabihan via call, text, o email ang mga mabubunot at ipopost din ang list of winners sa GMA Network Facebook page at social media sites.

Ano pang hinihintay ninyo, mga Kapuso? Bisitahin ang www.gmanetwork.com/BuongPusoGroufie para malaman ang buong detalye.

***

Sheryl Cruz gaganap na aswang sa #MPK

Tunghayan ang kakaibang kwento ng isang aswang na nagpapanggap na albularyo para sa kanyang kaibigan sa episode ng drama anthology na ‘Magpakailanman’ na pinamagatang ‘Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi’ ngayong Sabado, June 19.



Dahil nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos ang pag-atake ng isang aswang, humingi ng tulong si Arlyn (Tina Paner) sa albularyong si Glorie (Sheryl Cruz). Hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa’t isa.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ni Arlyn ang kagustuhan ng mga tao sa kanilang barangay na palayasin si Glorie. Pinatay raw kasi ni Glorie ang ipinagbubuntis ng kinakasama ng ex-boyfriend niya. Matapos magpaliwanag ni Glorie na hindi siya kagaya ng ibang aswang ay pinatawad din ni Arlyn ang kaibigan.

Sa pag-uwi ng asawa ni Arlyn ay pinagbawalan na nitong magkita pa ang dalawa. Kasabay nito ay nalaman din ni Glorie na niloko siya ulit ng kanyang kinakasama.

Matapos mawalan ng kaibigan at minamahal, magbabalik-loob na nga ba sa kadiliman si Glorie?

Abangan ang naiibang kuwento ng pagkakaibigan nina Glorie at Arlyn sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.