Advertisers
NATANGAYAN ng P77,000 ang customer sa isang tindahan sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Ruel Magura.
Sa ulat, inakala ng biktima na empleyado ng tindahan ang lalaking lumapit sa kaniya habang bumibili siya ng materyales kaya inabot niya rito ang pera.
Ngunit nang kukunin na ni Magura ang binili niyang materyales, sinabi ng may-ari na hindi pa siya bayad.
Ayon sa may-ari, akala niya magkaibigan ang lalaki at ang biktima.