Advertisers

Advertisers

2 Tulak swak sa selda sa QC

0 269

Advertisers

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki nang mahulihan ng shabu na aabot sa P54,000 halaga sa isinagawang anti-criminality operation sa Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District station 3 Talipapa PLTCOL Christime Tabdi ang mga dinakip na sina Jeff dela Cruz at Ariel Banog kapwa ng Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, QC.

Ayon kay PCPL. Paul Tumbaga ng Talipapa police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) officer on case, nadakip ang dalawang suspek sa loob ng bahay sa Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, QC 9:00 ng gabi ng mga operatiba ng SDEU.



Sa ulat, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng SDEU sa naturang lugar ng mamataan nila ang dalawa habang nasa loob ng bahay at nagbabalot ng illegal na droga sa plastic.

Nakuha mula sa mga suspek ang aabot sa 8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,000 na street value.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong illegal drugs.(Boy Celario)