Advertisers
BUMULAGTA ang 2 lalaking pinagbabaril ng ‘di pa kilalang salarin sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, nitong Martes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Bernard Siazon, 39 anyos; at alyas Jay Ar Lakay.
Ayon sa testigong nag-report ng insidente, nakita pang nagbebenta ng iligal na droga ang 2 biktima sa isang lalaki. Pero bigla nalang bumunot ng baril ang katransaksyon nila at pinagbabaril ang dalawa.
Narekober sa bangkay ni Jay Ar Lakay ang isang pakete ng shabu, at isang basyo ng kalibre .45 na baril sa crime scene.