Advertisers

Advertisers

Order ni Digong sa mga barangay kapitan: ‘DI BAKUNADO ‘WAG PALABASIN NG BAHAY’

0 377

Advertisers

MAHIGPIT na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Barangay Chairman na mahigpit na mag-ikot sa kanilang nasasakupan at huwag palabasin ang mga hindi pa bakunado.

Sa kanyang televised address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Duterte na bagama’t wala pang batas na nagbabawal sa mga hindi pa nagpapabakuna na huwag lumabas ng bahay ay papayagan niya na ipatupad ito dahil kinakailangan upang hindi na tumaas pa ang covid cases dulot na rin ng banta ng Delta variant.

Malaking responsibilidad umano sa mga Barangay Chairman na ikutan ang kanilang nasasakupan at tiyakin na magpabakuna ang mga ito at sa mga tatanggi, ay huwag na palabasin pa ng bahay.



Sa mga matitigas ang ulo na lalabas ng bahay ay maari umanong escortan ng pulis pabalik ng bahay.

Ayon pa sa Pangulo, haharapin niya ang anumang reklamo at paninindigan niya ang desisyon na huwag palabasin ng bahay ang mga hindi pa nagpapabakuna. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">