Advertisers
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula August 6 hanggang 20, 2021 bunsod ng banta ng Covid Delta variant.
Sa ilalim ng ECQ, tanging mga authorized person outside of residence (APOR) lang ang pinapayagang bumiyahe sa loob at labas ng NCR Plus Area o ang Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal.
Gayunman, tuloy naman ang pagpapabakuna kahit ECQ. Kailangan lang magpakita ng QR code at waiver na katunayan na sila ay magpapabakuna.
Samantala, mula July 31 ay ipagbabawal na ang lahat ng dine in at al fresco dining habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction ang Metro Manila.
Tanging ang virtual religious gatherings ang pinapayagan.
Pinapahintulutan ding makapag-operate ng hanggang 30 percent ang personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas.
Sarado muna ang mga indoor sports courts at venues pati na ang indoor tourist attractions at specialized markets na una nang inaprubahan ng Department of Tourism (DOT).
Puwede rin mag-operate ng hanggang 30 percent ang outdoor tourist attractions na inaprubahan ng DOT.
Puwede rin ang necrological services, wakes, inurnment at funerals ng mga nasawi dahil sa COVID-19 pero limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya.
Ito na ang ikatlong lockdown simula noong pumutok ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020.
Ang pangalawang lockdown ay naganap naman noong Marso 29 hanggang Abril 4. (Jonah Mallari/Josephine Patricio/Vanz Fernandez)