Sharon pinuna ng anak na si Kakie sa kinababaliwang Korean star; John tikom sa away sa ex-BFF na si Derek
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PANGALAWA na sa mga crush ni Megastar Sharon Cuneta si Cha Eun Woo bukod kay Park Hyung Sik na unang crush nito.
Sa post naman nito sa socmed ay inamin ng aktres na trulili na mayroon itong kinababaliwan na bago na mga Korean star.
Hindi lang naman daw si Sharon ang ganun kaatat at kabaliw sa mga Koreannovela kungdi maraming netizens.
Ayon nga kay Megastar, nung maalala pa niya nung sinu-shoot ang ‘Maging Sino Ka Man’ noong 1991 ay kaka-break pa lang nito sa kanyang bf.
Kaya wala naman itong ginawa kungdi super mega follow siya sa bawa’t ganap ni Hyung Sik noon as in updated ito.
Nang malaman ni Kakie na may bagong kinakakiligan ang ina ay napa ‘O my gosh! ito at mas matanda pa nga raw si Kakie ng tatlong taon kaya sabi nito sa ina ay ‘OMG Mom!’
Natawa naman si Sharon sa reaction ng panganay nila ni Kiko.
Kaya sabi ng Megastar na hindi naman daw niya boyfriend o pakakasalan si Cha Eun Woo at crush lang daw niya ang Korean star.
Maraming netizens ang natuwa sa post na ito ni Sharon sa kanyang socmed.
***
KAHIT nga anong birada at banat ni Derek Ramsay sa dati nitong kaibigan na si John Estrada, minabuti nito na manahimik at huwag na lang sumagot para ‘di na humaba pa ang isyu.
Naiintindihan naman ni John na mahal na mahal nito si Ellen Adarna kaya no single words na kahit anong salita laban kay Derek ay walang binitawan si John sa dating kaibigan.
Marami namang naghinayang sa pagkakaibigan ng dalawa.
Nadagdagan pa ang galit ni Derek ng may nakarating sa kanyang kaalaman na kaya ayaw anya niyang mag-work ay mayaman na siya.
Tumaas naman daw ang BP nito, kundi nga lang daw pandemic eh sino ba naman umano ang ayaw kumita.
Ayaw raw i-risk ni Derek ang kanyang kalusugan na siya niyang priority ngayon kung bakit ayaw nitong mag-work.
At kahit si Ellen ay ‘di na muna magwo-work para sa pag-aasikaso ng kanilang kasal ni Derek.
Well, well, well…’Yun na!