Advertisers
NAGPOSITIBO sa Covid-19 si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.
“Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa Covid-19,” ani Malapitan nitong Miyerkoles.
Sa kabila nito, sinabi niya na hindi naman malala ang kanyang nararamdaman. “Ako ay nasa maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling.”
Nanawagan ang alkalde sa mga nakasalamuha na mag-quarantine at magpa-swab test.
Dahil dito, sinabi niya na maaaring tawagan ng kanyang close contacts ang COVID-19 hotlines 09668274519 / 09478834430.
“Umasa po kayo na ang inyong lingkod ay patuloy na nakaantabay sa mga nagaganap at pangyayari sa ating lungsod habang patuloy ang aking komunikasyon sa mga iba’t ibang sangay ng ating pamahalaan,” ayon pa kay Malapitan. (Beth Samson)