Advertisers
ARESTADO ang number 3 most wanted person sa station level sa kasong Rape sa Sta. Ana, Maynila.
Kinilala ang akusado na si John Louie Razoda, 27 anyos, construction worker, ng 2159 C San Andres Extension Sta. Ana.
Naaresto ang akusado sa kahabaan ng San Andres Extension sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Emily L.San Gaspar-Gito ng Manila RTC Branch 5.
Kasalukuyang nakakulong sa MPD-PS 6 ang akusado. (Jocelyn Domenden)