Advertisers

Advertisers

Maskara ng Red Cross

0 436

Advertisers

SIMULA ng sabihin ni Pangulong Digong na dapat iaudit din ang Phil Red Cross, ang dami na tuloy naging katanungan ng mga tao.

Bakit nga naman nagdodonate ang iba ng dugo tapos ibinibenta PNRC?

Ang sabi nila, pag nagdonate ka ng dugo makakakuha ka din ng dugo pag kailangan mo, pero pagkukuha ka magbabayad ka din dahil nag donate ka,sasabihin sayo discounted price na ang dugong kukunin mo.



Tumatanggap din sila ng mga tulong sa pagkakaunawa at pagkakaalam natin ay tax free pero bakit hindi nila ipinangtutulong sa tao, para san ba talaga ang Philippine National Red cross?

Mga katanungan ng ilan nating mga kababayan.Kaya ang sabi tuloy ng iba, mas gusto nila na magdonate nlang talaga ng dugo dun sa taong mismong nangangailan “in time of operation”.



Ang paliwanag kasi ng iba kaya sila nagdonate para if ever na mangailangan sila, meron din silang matakbuhan hindi man para sa kanila mismo pero para sa panganganilangan ng mga mahal nila sa buhay.

Ang hirap nga naman intindihin, nag-donate ka kasi nga pag kailangan mo may makukuha ka din kung baga sa bangko nag safety deposit ka kaso pag kailangan mo na, babayaran mo rin.



Ito ang magandang pangyayari magmula ng busisiin ni Pangulong Duterte ang tila maling pamamalakad ni Sen.Richard Gordon sa Red Cross.

Ayon pa kay PRRD,dominado ni Gordon ang mga opisyal ng Red Cross sa napakahabang panahon.

Ipinangako ng Pangulo na kakalkalin nito ng husto ang mga maling aksyon ng Red Cross sa ilalim ng manipulasyon ni Gordon.

Ayon sa ating mga sources, handa nang pumalag laban kay Gordon ang iba pang disgruntled officer ng Krus Na Pula kaya aantabayanan natin ito.

Kapag nagkataon,puwede nang ibaon sa limot nitong si Gordon ang ambisyon niyang tumakbong bise president sa 2022 elections.

Bukod kasi sa nabukayo na ang mga maniobra niya sa Krus Na Pula, sira na rin sya sa mga botante.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com