Advertisers
MATAPOS ang matagumpay na pagbubukas ng ika-138 Malasakit Center sa Jolo, agad nagsagawa ng serye ng relief operations ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go sa may 3,053 katao na binubuo ng market vendors at mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Maimbung, Sulu.
Sa nasabing aktibidad, iginiit ni Senator Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat isa, lalo ngayong sa nasa krisis ang bansa.
Kaya naman hinimok niya ang mga essential workers na humingi ng medical assistance kung kinakailangan, saan man sa dalawang naitayo nang Malasakit Centers sa probinsiya.
May Malasakit Centers na sa Sulu Provincial Hospital at Sulu Sanitarium, kapwa sa Jolo.
Makaraang masaksihan ang paghihirap ng mga Filipinos sa paghingi ng medical assistance mula sa gobyerno, naging committment na ni Go ang pagtiyak na ang mga mahihirap at indigent patients ay madali nang magkakaroon ng access sa dekalidad na health care services.
Siya ang nag-akda at nag-isponsor sa Senado ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, upang ang mga ahensyang gaya ng DOH, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, and Philippine Health Insurance Corporation ay magsama-sama sa iisang opisina sa mga pampublikong ospital para maasistehan ang mga Filipinos sa pagbabayad ng kanilang medical expenses.
“Ang Malasakit Center po batas na ‘yan, isinulong ko noon, noong nag-senador po ako, pinirmahan ni Pangulong Duterte. Ang target po niyan zero balance, para po ‘yan sa mga poor and indigent patients,” paliwanag ni Go.
“Kaya sabi ko noong naging senador po ako, siguraduhin nating maisabatas po ito para kahit hindi na ho ako senador, ‘pag hindi na ho pangulo si Pangulong Duterte ay tuluy-tuloy po itong programang ito. Ang importante po rito ay makakatulong po sa ating mga kababayan,” idinagdag niya.
Ang relief efforts ng grupo ni Sen. Go ay isinagawa sa Maimbung Poblacion Tricovered Court. Hinati-hati sa iba’t ibang grupo ang mga benepisyaryo batay sa ipinatutupad na safety and health protocols.
“May paalala lang po kami ni Pangulong Duterte sa inyo mga kababayan ko. ‘Pag nasa priority list na po kayo ng ating vaccination program, pakiusap lang po magpabakuna na po kayo.”
“Magtiwala ho kayo sa bakuna, huwag ho kayong matakot sa bakuna. Iyan lang po ang ating pag-asa ngayon. There is light at the end of the tunnel,” ayon sa senador.