Advertisers

Advertisers

Leylah Fernandez pasok na sa semis ng US Open

0 229

Advertisers

UMUSAD na sa semifinals ng US Open si Filipina-Canadian Leylah Fernandez.
Ito ay matapos na idispatsa si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa score 6-3, 3-6, 7-6 (5).

Magugunitang dinaig ni Fernandez sa mga unang round ng torneo ang top seed players gaya nina Naomi Osaka at Angelique Kerber.

Susunod na makakaharap ng 19-anyos na si Fernandez ang sinumang manalo sa pagitan nina Aryna Sabalenka ng Belarus at Barbora Krejcikova ng Czech Republic.



Ang 19-anyos na si Fernandez ay representative ng Canada na ang kaniyang amang si Jorge na dating Ecuadorian professional soccer player ay kaniya ring coach habang ang ina nito na si Irene ay isang Filipino Canadian.

Si Leylah ay siyang pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">