Advertisers
BINIGYAN-DIIN ng isang hukom na puwedeng arestuhin ng International Criminal Court (ICC) si Pangulong Rodrigo Duterte kapag makitaan ng probable cause sa kampanya nito laban sa droga.
Ito naging reaksyon ni Judge Lorenzo Balo ng Regional Trial Court(RTC)-South Cotabato sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas gusto ng pangulo na mamatay kaysa humarap sa ICC.
Nilinaw ni Judge Balo na may hurisdiksyon pa rin ang ICC sa isasagawang pre-trial chamber sa alegasyon sa crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa anti-illegal drugs campaign noong mayor pa ito ng Davao City.
Saad pa ni Balo na may posibilidad na magpalabas ng warrant of arrest ang ICC kung may makitang probable cause sa nasabing alegasyon.
Nilinaw pa nito pareho lamang ito sa ordinaryong proceedings dito sa bansa na mag-iisyu ng warrant of arrest ang korte kung may basehan ang reklamo. (Josephine Patricio)