Advertisers
ATAY ang isang amasona sa engkwentro sa pagitan ng New People Army (NPA) at militar sa Davao City.
Nakilala ang nasawi na si Divina Sindol alias “Din-Din”, 24, ng Sitio Kisapwak, Barangay Diningan, Kitaotao, Province of Bukidnon.
Ayon kay LtCol Victorino M. Seno, battalion commander ng 27th Infantry, 2:30 ng hapon nang makaengkwento ng mga sundalo ang 5 rebelde sa Sitio Barko-barko, Brgy Mapula, Paquibato District, Davao City.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagkabakbakan. (Mark Obleada)