Advertisers
UMUSAD na sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen matapos walisin ang NorthPort 100-95 sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.
Bumida sa panalo ng fourth seeded Beermen si CJ Perez na nagtala ng 21 points para ma-sweep ang best of 3 series nila.
Nag-ambag rin ng 17 points si Mo Tautuaa habang mayroong 15 points si Marcio Lassiter .
Aminado si Beermen coach Leo Austria na isang malaking hamon ang nasabing pagharap nila sa NorthPort dahil sa itinuturing ng Batang Pier na do-or-die bukod pa sa pagiging talentado at mga bata ang mga ito.
Makakaharap ng Beermen sa susunod na round ang TNT para sa best of seven semis.