Advertisers
Nasa 149 kilos halaga ng shabu na nagkakahalaga ng P1.28 Billion ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA, PNP-DEG, AFP Task Force Noah, NICA at Cavite Police Provincial Office sa ikinasang buy-bust operation, nitong Biyernes sa may Blk 16 lot 9 manager drive executive 1 Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.
Arestado sa nasabing operasyon ang tatlong drug personalities na kinilalang sina Jorlan San Jose, 26-anyos; Joseph Maurin, 38-anyos; at Joan Lumanog, 27-anyos, na pawang mga residente ng Dominorig, Talatag, Bukidnon.
Bukod sa 149 kilos na shabu, nasabat din sa tatlo ang 1 totoong P1,000 bill buybust money at isang bundle ng boodle money at isang itim na nokia key pad.
Kasong paglabag sa Section 5 & 11, Art. II, ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspeks.
Inaalam pa sa ngayon kung may kaugnayan ang tatlong suspeks sa mga nasabat na iligal na droga ng PNP at PDEA sa Zambales na ikinasawi ng tatlong Chinese.(Mark Obleada)