Advertisers
SORSOGON CITY – Arestado ang isang lalaki na nanghalay sa kanyang kumare sa bayan ng Matnog, Sorsogon.
Kinilala ang inaresto na si Bonifacio Gabad Magtanao, 27-anyos, binata, walang trabaho at naninirahan sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, 10:40 ng umaga nitong Oktubre, 4 nang ihain ang arrest warrant kay Magtanao sa Brgy. Culasi ng nasabing bayan.
Itinuturing din si Magtanao na No. 1 most wanted person ng Matnog Police.
Ang pag-aresto kay Magtanao sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 55 sa kasong 3 counts of rape na walang itinakdang piyansa.
Sa report, sinamantala ni Magtanao ang panghahalay sa biktima tuwing wala ang kanyang kumpare na nagtatrabaho sa sentro ng nasabing bayan.
Sa salaysay naman ng 26-anyos na biktima, tatlong beses siyang pinagsamantalahan ni Magtanao na nagsimula noong buwan ng Mayo 20 dakong 11:00 ng gabi at sinundan noong Mayo 26, alas-9:00 ng gabi at ang panghuli dakong 2:00 ng madaling araw noong Hunyo 6, lahat ng kasalukuyang taon. Ayon sa biktima binabantaan siya ni Magtanao na papatayin ang kanyang pamilya kung magsusumbong.
Sa pakikipag-ugnayan ng Matnog Police sa Barangay Intelligence Network (BIN), natunton ang pinagtataguan ng akusado. Nakatakda nang iharap si Magtanao sa kanyang court of origin.