Advertisers

Advertisers

DUTERTE HAHARAP NA SA ICC

0 443

Advertisers

HANDA nang humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang uri ng imbestigasyon kabilang na ang nakabinbing kaso na crimes against humanity sa International Criminal Court.

Pahayag ni Pangulong Duterte, haharapin niya ang lahat ng kaso oras na matapos ang kanyang termino sa 2022.

Kinasuhan si Pangulong Duterte sa ICC dahil sa naging madugo na umano ang anti-drug war campaign at nalabag na ang karapatang pantao ng mga drug suspects.



Pero hiling ng Pangulo sa mga kalaban at mga magsasampa ng kaso, huwag magsinungaling at huwag gumawa ng mga pekeng ebidensya.

Ayon pa sa Pangulo, hihintayin niya ang mga naghahayag na sasampahan siya ng kaso at paghahandaan ang depensa.



Pakiusap pa ng Pangulo, huwag mag-imbento ng istorya lalo’t huwag naman sanang isama sa kaso laban sa kanya ang mga nasawi dahil lamang sa sakit na malaria.

Kalokohan na kasi aniya kung isasama pa ito sa asunto.



Hindi na aniya hustisya ang hanap ng mga ito.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng Pangulong Duterte na walang hurisdikyon ang ICC sa Pilipinas dahil gumagana naman ang mga korte sa bansa. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)