Advertisers

Advertisers

Dahil sa kapayatan… Sharon mas sexy na sa anak na si KC

0 278

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NASA Estados Unidos ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa kanyang business trip.

Nasa itinerary niya ang bisitahin ang kanyang anak na si Kakie Pangilinan na nag-aaral ng kolehiyo sa isang unibersidad sa New York.



Pero bago niya puntahan ang anak, um-attend muna siya ng birthday party ng isang malapit na kaibigan sa California at nakipag-bonding din sa kanyang long time close friends.

Dito na naisip ng singer-actress na sorpresahin ang kanyang anak na si Kakie.



Dahil nalaman ng kanyang mga kaibigan na bibisitahin niya ang kanyang darling daughter, nagpasya ang mga ito na i-treat si Shawie sa isang private plane at chopper ride para mas mabilis  itong makarating sa New York mula California.

Sa kanyang video post, ipinakita niya ang pag-board niya ng private plane bound for New York.



Aniya: “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!! Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs.!!! And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird.”

Sa isa pang related post, makikita naman siyang naglalakad papuntang helicopter na naghihintay sa kanya para mag-board pagkatapos niyang bumaba ng private plane.

May offhand remark din siyang muntik nang malaglag ang suot niya dahil mas payat siya ngayon.

Isa namang netizen ang nakakita ng kanyang post at agad  itong nagkomento.

“Saan ka mamimili at nkahelicopter kpa? Grabe nman yan, dto naghehelicopter lang pag me emergency n kailangang madala agad s pinakamalapit n hospital!”, hirit ng netizen.

Hindi naman napigilang mag-react ni Sharon sa naging komento ng netizen kaya mega patola talaga ito sa kanyang resbak.

“Umpisahan nyo po muna sana basahin captions ko mula eroplano pataas hanggang dito. Isinama and nalibre lang po kami ng kaibigan namin kaya laking pasalamat ko,” sagot ni Sharon.

Dahil nasopla, hindi na nagawang sumagot muli ng nabanggit na netizen.

Speaking of Shawie, pinag-uusapan din ang kanyang mabilis na pagpayat  nito at ngayoý naikukumpara na mas sexy sa kanyang panganay na si KC Concepcion.