Advertisers

Advertisers

Lolo, 8 pa tiklo sa droga sa Marikina

0 246

Advertisers

SIYAM katao kabilang ang 61-anyos na lolo ang naaresto sa buybust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Marikina City.

Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina PNP, ang mga nadakip na sina Alex Florentino, 61 anyos, Christine Padilla, Rafael Pqscua, Charmaine Dianne De Leon, Irene Lacap, 48 anyos, Rush May Bayan, Argeli Joseph Corneja, Ryan Manahan y Manalapaz, 41 anyos at Ralph Jason Arenal, 33 anyos kapwa mga residente ng Bantayog St., Brgy., Concepcion – Uno ng lungsod.

Sa ulat, 7:20 ng gabi nitong Martes (Oct. 5), nang madakip ang mga suspek sa buybust operation sa No. 108 Bantayog Street, sa lugar.



Nakumpiska sa mga ito ang 6 na transparent plastic sachet ng shabu, isang envelop na naglalaman ng mga shabu paraphernalia at buybust money na P500 cash.

Nabatid na nagsasagawa ng Anti-illegal Drug operation sa lugar ang mga operatiba.(Edwin Moreno)