Advertisers

Advertisers

4 Rebelde patay sa sagupan sa Bukidnon

0 255

Advertisers

Patay ang apat na rebelde sa naganap na sagupan sa pagitan ng mga militar sa katimugang bahagi ng bansa nitong Miyerkules.

Sa ulat, tumagal ng isang oras ang naturang bakbakan sa San Fernando, Bukidnon.

Ayon sa report, nagtungo ang mga sundalo sa nasabing lugar nang may magbigay ng impormasyon na may mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na nagsasagawa ng recruitment drive.



Wala namang naitalang sugatan o namatay sa panig ng mga militar.

May dalawang indibidwal, kabilang ang 12-anyos, ang nahuli na nagtamo ng sugat at agad na binigyan ng paunang lunas at dinala sa ospital ng mga tropa ng militar.

Sa kasalukuyang nasa kostodiya na ng social workers ang naturang menor de edad matapos malapatan ng lunas ang tinamong sugat nito.

“The CPP-NPA-NDF should stop their madness of recruiting children into the armed struggle,” pahayag ni Lt. Gen. Greg Almerol, the regional military chief.
Sinabi ni Almerol na ang National Democratic Front (NDF), ang siyang political wing ng nasabing samahan.

Narekober ng mga militar ang 16 high-powered firearms, kabilang ang grenade launcher matapos ang sagupaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">