Advertisers

Advertisers

Paulo pinagtanggol si Jake nang habulin at paputukan ng pulis

0 206

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

LAMAN ng headlines ngayon ang pagkakasangkot umano ni Jake Cuenca sa isang police chase incident kamakailan.

May mga report kasing nagsasabing hindi raw tumigil si Jake sa checkpoint kaya hinabol ito ng mga pulis hanggang sa may Shaw Boulevard na bahagi na ng Pasig City.



Dahil dito, napilitan daw na magpaputok ng baril ang mga pulis.

May balita ring may biktima rin ng stray bullet na isang Grab driver nang gabing maganap ang naturang insidente.

Sa kaso naman ni Paulo Avelino, ipinagtanggol niya ang kapwa Kapamilya star sa kanyang tweet.

Sa tweet ni Paulo noong Oktubre 10, sinabi nitong kung siya si Jake ay malamang patuloy rin siyang magmamaneho lalo’t hindi nito alam na pulis pala ang mga humahabol sa kanya.

Hindi raw kasi naka-uniporme ang mga nasabing police operatives.



Aniya, “I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba?

“If someone was shooting me it’s either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time.”

Sa comment section ng post ni Paulo, tinanong din ang actor kung may katotohanan ba ang balitang lasing si Jake habang nagda-drive.

Sabi ni Paulo, hindi raw lasing si Jake nang gabing iyon.

Itinanggi rin ng Marry Me, Marry You star ang mga haka-hakang nakasagasa o nakasakit ng tao ang kaibigang aktor.

Ani Paulo, “Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi.

“Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa Covid.”