Advertisers

Advertisers

Andrea inamin, lapitin ng multo; Boom proud dad sa panganganak ng misis na si Desiree

0 377

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGSILANG na ng baby boy si Desiree del Valle last October 4 at pinangalanan nila ng kanyang mister na si Boom Labrusca ang kanilang first baby boy na Alexander Sebastian Dunham Labrusca.

“As  we  welcome our bundle of  joy!  Alexander Sebastian Dunham  Labrusca .Thank you Lord for  our son,” caption ni Desiree  sa kanyang post sa Instagram.



Proud daddy and husband si Boom. Pinahanda raw siya ni Desiree dahil sa pinagdaanan nitong pagbubuntis sa kanilang baby boy.

“To my wife, for carrying our baby, for being  strong and for being an amazing  wife, good  job, mommy. Maaring nandoon tayo sa kanilang  tabi  ngunit  kailanman ay di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao. Team work makes the dream work. I love you so much,” post ni Boom.

January 2018 nang ikinasal sina Desiree at Boom. Nahulog ang loob nila sa isa`t isa nang magkasama sila sa serye ng ABS CBN na Aryana noong 2012.

Panganay na anak ni Boom ang actor na si Tony Labrusca sa dating karelasyon na si Angel Jones.

***



SA interview ni Boy Abunda sa kanyang YT channel  kay Andrea Brillante ay inamin ng actress na tested siyang positive pero asymptomatic dahil wala siyang nararamdaman  na kahit ano sa katawan.

Pero aminado siyang nag-struggle  mentally lalo na at may insomnia at anxiety  siya sa edad na 18. Sa umaga ay kaya niya pero pagdating ng gabi ay takot na siyang mag-isa.

“Wag po kayong matawa pero sobrang lapitin po ako ng multo. Lagi  po akong binabangungot. Lagi akong nagkaka-sleep paralysis. So nagkaroon ako ng fear na matulog  kasi may mga tao na nagkaka-heart  attack sa pagtulog nila. Hindi na sila nagigising so I believe na sa sobrang bangungot po `yun, so nagdadasal  lang po ako,” pagtatapat  ni Andrea at kumonsulta na siya sa therapist  tungkol dito.

Dahil kailangan niyang mag-isolate ngayon ay naka-quarantine na si Andrea. Alalang-alala ang kanyang mga magulang dahil ngayon lang siya mag-isa na walang kasama.

“Gusto kong ipakita  sa kanila na kaya ko. Kaya ko mag-isa. Kakayanin ko kahit mahirap,” say ni Andrea.

Napagtanto naman ni Andrea habang mag-isa na totoo ang “mind over  matter.”

Napagtanto rin ni Andrea na lahat ng kanyang kinatatakutan ay nasa isip lang pala.

“Huwag mo lang isipin. Ngayon ko lang nagawa yung treatment  sa sarili  ko `pag di ako makatulog lagi ko lang iniisip, “No one`s  gonna  hurt  you, Blythe.”  Kasi  ako lang  naman  yung nag-iisip   na may mananakit    sa  akin. Pero wala  naman talaga `pag  di ko siya  iisipin, it does  not   exist. It only exists  when  you  think about  it  too  much,” pagtatapat pa ni Andrea na mas lalong gumanda.