Advertisers

Advertisers

Libong residente sa Poro at Tudela, Cebu inayudahan… BONG GO HINILING ULI, PAGKAKAISA VS COVID-19

0 517

Advertisers

MULING umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa bawat isa ng pagtutulungan at pagkakaisa ngayong nahaharap ang bansa sa mga pagsubok.

Hiniling din niya na tulungan ang mga health workers na itinataya ang kalusugan at buhay sa frontlines ng giyera laban sa virus.

“Totoo pong mahirap ang buhay ngayon, pero ang pangunahing layunin muna natin ay ang maitigil ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa para mas mapabilis ang pagbalik natin muli sa normal na pamumuhay,” ani Go.



“Ang ating pagiging mga responsableng mamamayan na nagmamalasakit sa kapwa at nakikisama sa bayanihan ay ang susi sa ating mabilis na pag-ahon sa krisis. Magtulungan tayo para hindi bumagsak ang ating healthcare system habang binabalanse natin na pasiglahin muli ang ating ekonomiya,” idinagdag ng senador.

Sa gitna ng mga pukulan ng putik dahil nalalapit na naman ang halalan, sinabi ni Go siya naman ay nananatiling nakapokus sa pagtupad sa kanyang mandato sa taongbayan na sila ay pagsilbihan sa abot ng makakaya.

“The campaign season will only last for three months until election day. Meanwhile, we have an unseen enemy named COVID-19 in our midst that we need to address and overcome, together with poverty, joblessness and hunger which also need our utmost attention, in order to fulfill our promise of a more comfortable life for all,” sabi ni Go.

“Sabi ko nga, mamaya na muna ‘yung pulitika, tapos na ‘yung filing, let’s go back to work. Unahin po natin ‘yung pagseserbisyo para sa ating mga kababayan bago ang halalan. At bakuna muna bago pulitika,” idinagdag niya.

Namahagi ang grupo ni Go ng meals, vitamins, masks at face shields sa tinatayang 3,050 residente sa Tudela Civic Center at Poro municipal gym.



May mga binigyan ng bagong pares ng mga sapatos at bisikleta na magagamit sa pagtatrabaho at computer tablets para sa mga kabataang mag-aaral.

“Talagang mahirap ang buhay ngayon dahil walang trabaho at mahirap kumita ng pera. Nag-iisa nalang ako dahil wala na ang aking asawa at anak kaya kung minsan humihingi na lang ako sa aking kapatid para may pangkain ako. Maraming, maraming salamat po kay Senator Bong Go at may pangbili na ako ng bigas at ulam!” sabi ni Pablito Luceño, 68, residente ng Poro, matapos makatanggap ng ayuda.

“Magtulungan lang tayo. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang mga kapwa Pilipino? Mahal namin kayo ni Pangulong Duterte,” ang pahayag ng senador.