Advertisers

Advertisers

6 holdaper tigok sa barilan sa Rizal

0 394

Advertisers

TIGOK ang anim na miyembro ng kilabot na carnapping group nang holdapin ang isang gasolinahan at makipagbarilan sa mga awtoridad sa Sitio Boso-Boso, Marcos Highway, Barangay San Jose, Antipolo City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat, 1:30 ng madaling araw nang holdapin ng anim na holdaper na armado ng matataas na kalibre ng baril sakay ng isang Yamaha Mio at Rio Sedan ang isang gasolinahan sa Marcos Highway sa may Sitio Boso-Boso.

Kaagad nagsagawa ng magkasanib na operasyon ang Antipolo PNP, Highway Patrol Group (HPG), Rizal Provincial Intelligence Unit at Rizal Provincial Mobile Force Company (PMFC).



Namataan ng mga awtoridad ang isang Rio Sedan na may plakang ABQ-2011 na dapat ay plaka ng Nissan Almera, at isang Yamaha Mio na may plakang NR-4967UG.

Sa halip na sumuko, pinagbabaril ng mga holdaper ang mga awtoridad na sakay ng moblie car habang papatakas patungo sa bahagi ng Baras, Rizal.

Ilang minutong palitan ng putok at sumemplang ang motorsiklo at sumampa naman sa barrier ang kotse ng mga holdaper na nagpulasan habang nakikipagbarilan sa operatiba.

Dito nasawi ang mga holdaper, habang tinamaan naman ang isa sa mga pulis na may suot na bullet vest at nagtamo rin ng mga tama ang sasakyan ng mga pulis.

Narekober sa lugar ng engkwento ang 40 basyo ng iba’t ibang kalibre ng baril at narekober din ang mga armas na gamit ng mga holdaper.



Ayon sa ulat, responsable ang mga napatay sa serye ng mga holdapan at carnapping sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Rizal. (Mark Obleada/Edwin Moreno)