Advertisers

Advertisers

Malacanang walang itinalagang OIC sa DAR

0 759

Advertisers

HINDI nagtalaga ng Officer-in-Charge (OIC) ang Malacanang para mamuno sa Department of Agrarian Reform (DAR) matapos maghain ng kanyang COC (Certificate of Candidacy) si dating DAR Sec. John Castriciones na tatakbong Senator sa 2022 national and local election.

Sa ulat ang pamamahala sa DAR ay pamamahalaan ngayon ng mga Undersecretaries nito matapos maghain ng kanyang pagnanais si Castriciones na tumakbong senador sa darating na election.

Magugunitang nauna rito nagpaalam na si DAR Sec. John Castriciones sa mga opisyal at empleyado ng ahensya sa isang simpleng seremonya noong Oktubre 8 para sumabak sa 2022 election,



Nitong nakalipas na Oktubre 8, magugunitang nanumpa si Castriciones bilang miyembro ng PDP-Laban bilang isa sa mga kalahok sa pagka-senador sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022.

Samantala kaugnay nito sa isang text message tiniyak naman ni Director Cleon Lester Chavez chief ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) na patuloy ang serbisyo at paglilingkod ng ahensya sa mga magsasaka.

“Hinihintay pa po ang ibababang anunsyo. Samantala, ang mga Undersecretary, naman ay patuloy sa pagpapatakbo ng serbisyo sa kani-kanilang mga opisina at nasasakupan” ayon kay Chavez.

Ayon pa kay Chavez kung may mga katanungan lalo na ang media na may kinalaman sa agrarian reform ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng PAMRS (Public Assistance and Media Relations Service) at maaari nilang i-refer sa concerned offices ang kanilang concern.

“You may continue coursing the questions through us at PAMRS and we’ll refer them to the concerned offices” sinabi pa ni Chavez. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">