Advertisers
KULANG na lamang magsolian ng kandila ang mga senador na nasa hanay ng oposisyon at kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.
Kapwa inakusahan nina presidential candidates Isko Moreno at Ping Lacson ng pambu-bully ang kampo ni VP Leni Robredo na isa ring presidential aspirant sa naisin nito sila (Isko at Lacson) ay magwithdraw in favor of Leni.
Nauna nang nagreact si Moreno makaraan magpahatid ng mensahe ang kampo ng bise presidente para umatras ang alkalde ng Maynila para magbigay-daan kay Robredo umano’y minamanok ng mga mga Lopezes at ilang pang oligarkong pamilya ng bansa.
Ganoon din ang naging reaksyon ni Lacson makaraan harap- harapang sabihin ni Liberal Party (LP) Senator Franklin Drilon na umatras na si Lacson at hayaan ng Sina Robredo ang magtandem sa darating na May 9,2022 elections.
Nangyari ito sa pinakahiling “unification meeting” ng mga anti- Duterte groups kamakailan.
Ayon lay Lacson,nainsulto siya sa inasal ni Drilon at ng ilang taga- LP para siya umatras sa halan para mag give way kay Robredo.
Malinaw ayon pa Kay Lacson na walang balak na bumuo ng isang win- win ticket sa pagka-pangulo ang hanay ng LP maliban sa naisin nitong igiit na si VP Leni na lang ang gawin nag-iisang kandidato ng oposisyon.
Ayon naman sa ilang political observers,natatakot ang hanay ng dilawan na mga Lopez na manalo sa 2022 elections si Bongbong Marcos na bumulusok bilang number 1 sa lahat ng random surveys na kinomisyon ng mga anti- Marcos camps na kinabibilangan ng pamilya Lopez.
Umalagwa sa survey si BBM makaraang di magsumite ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte- Carpio.
Malaki rin ang nerbiyos ng oposisyon sa posibilidad na magsama ang mga Marcoses at Duterte bilang Isang unbeatable team kapag sumalili o magsubstitute alin man sa mag- amang Duterte bilang bise presidente ni Bongbong Marcos.
Sa senaryong ito,tila lalong mamomoblema ang mga Dilawan sa pagtanggi nina Moreno at Lacson na magpaubaya in favor of Robredo.
May balita pa na May malaking posibilidad na tuluyan nang umatras si Moreno sa laban makaraang magwithdraw umano ang marami sa mga high profile financial supporters nito dahil sa pressure mula sa malalaking negosyante ng bansa.
Gusto umanong suportahan ng mga Lopez, Makati Business Club at ilang pang mayayamang pamilya si Robredo at iadopt na lang runningmate nito si Isko kapalit ni Kiko Pangilinan.
Tila desperado na talaga ang mga Lopezes dahil di lamang ang isyu ng ABS CBN ang nakataya sa eleksyon ito kundi ang malalim rin nitong sigalot sa pamilya Marcos.
Make or break na umano ang mga Lopez lalo pa at di na mapipigilan pa ang alyansang Marcos- Duterte na kanilàng babanggain.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.