Advertisers
Arestado ang isang tricycle driver nang mahulihan ng P886,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.
Kinilala ang inareto na si Musalik Balakanen, 27, residente ng Taguig.
Ayon sa Taguig City police, isinagawa ang operasyon ng Taguig police Drug Enforcement Unit (DEU), 11:30 ng gabi nitong Huwebes sa Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.
Nakumpiska sa posesyon ni Balakanen ang anim na plastic sachets containing na tumitimbang ng 30.3 gramo at dalawa pang plastic sachets na naglalaman naman ng tig-50 gramo ng shabu na mayroong kabuuang halaga na P886,000.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga, ipinadala ng Taguig police sa SPD Crime Laboratory para isailalim sa chemical analysis.
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig police station si Balakanen na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.