LJ inamin, nagparamdam ang ex na si Paolo, inalam ang kalagayan; Anne miss na ang ‘Showtime’ pero takot pa rin sa Covid
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA panayam kay LJ Reyes na nakabase sa New York, sinabi nito kay Kuya Boy Abunda na tumawag at nagparamdam ang ama ng kanyang panganay na anak.
Ini-expect naman ng netizens na si Paolo Contis ang kumontak sa kanya.
Ang tatay pala ni Aki na si Paulo Avelino at kinukumusta nga si LJ ng dating labs.
May 4 years din ang inabot ng pagsasama nina Paulo at LJ bago naghiwalay noong 2013.
Inaalam naman ng tatay ni Aki kung okey ba siya after nung nangyari na break up with Paolo.
Siyempre kung labis na apektado si LJ, of course affected din ang anak nila na si Aki.
At kung ano nga raw ang puwedeng itulong ni Paulo lalo na sa kanilang anak ay huwag nga raw mag-atubili si LJ na tawagan siya.
At mahaba-haba din ang kanilang kumustahan.
Samantala, ini-ask naman kung nagparamdam ba si Paolo, ang ama ng kanyang bunso na si Summer.
Wala nga raw effort para mangumusta si Paolo sa kanyang mag-ina at di alam kung ano ang kanyang plano.
Anim na taon din nagsama sina Paolo at LJ at nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Kung ang ex labs na si Paulo ay nakaalala, itong si Paolo ay dedma lang at wala care.
***
KUNG pagka-miss sa It’s Showtime family ang pag- uusapan ay gravecious na ang pagka-miss ni Anne Curtis.
Gustung-gusto na nga raw nitong magbalik sa noontime show nila kaso tila may isinasaalang alang pa ito.
Takot pa rin nga magtrabaho si Anne dahil sa banta ng killer virus na Covid-19.
Isa nga raw sa urong-sulong na desisyon ni Anne dahil nga sa pandemya.
Kung pagbabalik hosting ay atat na umano si Anne.
Babalik daw siya sa work pero wala pang saktong petsa kung kailan ang pagbabalik nito sa It’s Showtime.
Kung kailan naman ang pagbabalik na ‘yun ay siya naman nating aabangan pero sa ngayon takot pa si Anne mag-work.
Well, well, well…’Yun na!